Bus bawal na sa Maynila
MANILA, Philippines -Sinimulan na kahapon ng lungsod ng Maynila ang pagsisimula ng implementasyon ng ordinansa na pagbabawal sa mga provincial at city bus na walang existing terminal na pumasok sa lungsod.
Personal na pinangaÂsiwaan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang pagharang sa may 40 bus na galing Fairview at pinaikot sa Welcome Rotonda at dito ay umarkila naman ng mga pampasaherong jeep ang city government na sumalo sa mga pasahero na papasok at magtatrabaho sa Maynila.
Sinabi ni Moreno na alam ng mga operators ang kanilang gagawing pagpapatupad ng resolution No. 48 at lahat ng mga operators ay sumang-ayon sa ordinansa kung kaya’t nakakapagtaka kung bakit umaangal ang iilang mga drivers.
Binalaan ni Moreno ang mga bus drivers kung saan sinabi nito na huhulihin na sila sa susunod na paglabag.
Layon ng resolution No. 48 ay maibsan ang trapik gayundin ang paghuli sa mga kolorum bus na nag-oopeÂrate sa Maynila at mabigyan ng disiplina ang mga bus drivers gayundin ang mga commuters.
Layon din aniya ng city government na ipatupad ang proyektong ‘green transportation’ kung saan papasada ang electic bus sa loob lamang ng Maynila.
Magsisilbing tagasalo ang electric bus sa mga pasahero na manggagaling sa South, North at Eastern part ng Metro Manila na may rutang Vito Cruz- Lawton; Lawton-Anda Circle-Vito Cruz at Lawton Intramuros-Vito Cruz.
- Latest