^

Police Metro

Delivery boy tinepok ng magpinsan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi noon din ang biktimang si Narlo Torno, 35-anyos matapos saksakin ng ice pick sa kili-kili na tumagos sa baga nito ng isang magpinsan kamakalawa sa  Pasay City.

Pinaghahanap naman ngayon ang mga suspek na sina Cris Monsanto, 22-anyos, isa ring ice delivery boy at pinsan nitong si Kalaw Aranzado, kapwa ng no. 2461 Sporting Club, ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:10 ng madaling-araw sa  sa loob ng Pasay Public Market nang pagtulungan ng magpinsan na Monsanto at Aranzado na saksakin si Torno.

Nabatid na paghihiganti ang motibo ng krimen matapos na unang inimbitahan ng mga opis­yales ng Barangay 91 sa barangay hall si Torno noong Abril 13 makaraang masugatan sa kamay si Monsanto na kagagawan ng biktima nang magtalo ang dalawa ukol sa kanilang trabaho.

Hindi umano tinupad ni Torno na sasagutin ang pagpapagamot matapos na magkaaregluhan sa barangay hall na maaaring dahilan ng pagresbak.

 

ABRIL

ARANZADO

CRIS MONSANTO

KALAW ARANZADO

MONSANTO

NARLO TORNO

PASAY CITY

PASAY PUBLIC MARKET

SPORTING CLUB

TORNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with