Binata inutas sa paninita
MANILA, Philippines - Isang 18-anyos na biÂÂÂnata ang nasawi nang siya ay saksakin ng isang 20-anyos na lalaki na siÂniÂta niya na palakad-laÂkad kahapon ng madaling-araw sa Sta. Mesa, MayÂnila.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Arnold Abella, reÂsidente ng no. 271 De Dios Extension, Sta. Mesa, Maynila.
Natunton naman ni PO3 Tajonera sa De OcamÂpo Memorial Medical Center sa Nagtahan, Sta. Mesa, Maynila ang susÂpek na nakilalang si Elpidio Silonga, binata, helper, tubong Tanay, Rizal at stay-in sa GSIS Metro Homes Bldg., 25 Unit D-5 AnoÂnas St., Sta. Mesa, Maynila, nagpapagamot dahil sa mga tinamong sugat.
Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw ay nakitang palaÂkad-lakad ng biktiÂma ang suspek sa tapat ng isang bahay sa no. 3238 Pureza St., Sta. Mesa
na sinita ng biktima, suÂbalit sumagot umano ng pabalang ang suspek na nauwi sa pagtatalo at suntukan hanggang sa naglabas ng patalim ang biktima at inundayan ang suspek na nakailag naman.
Nagpambuno ang dalaÂwa hanggang sa maagaw ng suspek ang patalim at isinaksak sa biktima hanggang sa bumulagta ito.
Hindi naman umano umawat o sumaklolo upang dalhin sa ospital ang biktima ng mga nakatambay na pedicab drivers sa lugar.
Mabilis na tumakas ang suspek at dumiretso ito sa ospital dahil sa natamong mga sugat sa pag-aagawan ng patalim.
- Latest