Rep. Velasco hindi dumalo
MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagkatig ng Korte Suprema sa disÂqualification ng kaniyang kalaban na si Regina Reyes ay hindi dumalo si newly-proclaimed Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco sa opening session ng House of Representatives kahapon.
Binigyang-diin ni Velasco na ang kaniyang hindi pagdalo ay hindi naÂngangahulugan na sumuko na siya sa kaniyang pakikipaglaban para sa kaniyang makataruÂngang pagbabalik sa House.
Idinagdag pa ni Velasco na si Reyes ay kinilala lamang dahil sa pansaÂmantalang recognition ng House Secretary General sa naging proklamasyon nito noong Mayo 18, na binawi naman ng Commission on Elections En Banc noong Hulyo 9 dahil sa hindi pagbasura nito ng kaniyang American citizenship at patuloy na pamamalagi ni Reyes sa Kongreso ay isa nang usurpation of public functions.
Sumulat na rin si VeÂlasco kay Speaker Feliciano Belmonte Jr. upang hiÂlingin na siya ang kilalaning halal na representative ng lone district ng MaÂrinduque sa halip na si Reyes.
- Latest