Pulis na nagpanggap na taga-CHR sa burol ng Ozamis lider arestado
MANILA, Philippines - Isang pulis na nagÂpanggap na miyembro ng Commission on Human Rights (CHR) at nagÂtuÂngo sa burol ng napaÂtay na Ozamis lider na si Ricky Cadavero sa MunÂtinÂlupa ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation matapos humingi ng cell phone number ng ina ni Cadavero at kapatid nito.
Nakatakdang sampaÂhan ng kasong usurpation of authority ang suspek na si PO3 Richard Ecleo Ebrada, nakatalaga sa counter-intelligence ng Philippine National Police (PNP).
Sa salaysay ni RosaÂlinda, kapatid ni Ricky, nagtungo si PO3 EbraÂda noong Biyernes ng gabi sa burol sa may Eastern Funeral Parlor, Barangay Alabang, Muntinlupa City upang makausap ang kanyang ina na si Gng. Luzviminda, ngunit tinanggihan ito dahil wala ng boses.
Kung kaya’t si RosaÂlinda ang humarap kay PO3 Ebrada at nagpaÂkiÂlalang taga-CHR, na ipinagtaka nito dahil nanÂdun sa burol ang mga taga-CHR.’
Kung kaya’t hiningan nila ng ID o anumang pagÂkakakilanlan ang pulis ngunit wala itong maipaÂkita at kahina-hinala rin ang paghingi ng contact number ng pamilya gaÂyong hindi pa siya nagpaÂpakilala dahilan para ito ay arestuhin ng NBI.
Napag-alaman na inuÂtusan umano si PO3 Ebrada ng kanyang hepe na kunin ang mga numero ng kaanak ni Cadavero dahil gusto nilang malaman kung sinu-sinong pulis ang sangkot sa paratang ng pamilya nito.
Nangangamba ang pamilya Cadavero sa kaÂnilang buhay, kung kaya’t hiniling nila kay JusÂtice Sec. Leila De Lima na higÂpitan pa ang kaniÂlang seguridad upang matukoy ang mga opisyal ng PNP na nakikinabang sa Ozamis gang.
Kahapon ng alas-2:00 ng madaling-araw ay iniuwi na sa General SanÂtos ang labi ni CadaÂvero, subalit wala pang petsa ang araw ng libing nito.
- Latest