^

Police Metro

Sekyu ng DOLE inutas ng NPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang security guard na nagsisilbing escort ng DOLE Philippines ang nasawi matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) naganap kamakalawa sa Brgy. Amag, Bayabas, Surigao del Sur.

Ang nasawi dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Albert Sabalo, 44, security guard ng Mega VPS Security Agency na nakatalaga sa Stanfilco, DOLE na nakabase sa Tago, Surigao del Sur at miyembro ng Quick Reaction Team ng nasabing kumpanya.

Batay sa ulat, bandang ala-1:30 ng hapon nang matagpuan ng dalawang kasamahang guwardiya  ang bangkay ng biktima na may tama ng bala sa katawan at nakabulagta sa daan.

Sa imbestigasyon ng pulisya nag-escort ang biktima kasama ang dalawa pang guwardiya sa container van ng DOLE Philippines bilang ‘advance security’ sa convoy sa lugar na dadaanan ng naturang kontrabando nang makitang nakabulagta ito.

vuukle comment

ALBERT SABALO

AMAG

BATAY

BAYABAS

BRGY

ISANG

NEW PEOPLE

QUICK REACTION TEAM

SECURITY AGENCY

SURIGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with