^

Police Metro

School guidance counselor itinumba sa opisina

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril sa loob ng kanyang opisina ang isang babaeng head guidance counselor ng isang eskwe­lahan ng dalawang lalake naganap kahapon ng umaga sa Rodriguez, Rizal.

Idineklarang dead on arrival sa Montalban Infirmary Hospital dahil sa limang tama ng bala ang biktima na kinilalang si Adorable Mas, 48, may-asawa, head guidance counselor ng Pamantasan ng Montalban at residente ng Rodriguez, Rizal.

Hindi pa kilala ang da­lawang lalake na mabilis na tumakas sakay ng isang itim na HD Kawasaki motorcycle na walang plaka.

Sa salaysay ng security guard ng pamantasan na si Antonio Ferno, dakong alas-10:15 ng umaga nang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at pumasok sa loob ng campus na matatagpuan sa Kasig­lahan Village, Barangay San Jose sa Rodriguez at tumuloy sa tanggapan ng biktima.

Ilang sandali ay naka­rinig ng limang putok ng baril at nakitang mabilis na lumabas ang mga suspek na pare­hong may bitbit na maikling kalibre ng baril.

Hindi naman umano nagawa ng guwardiya na pigilan ang mga suspek matapos siyang tutukan ng baril.

Inaalam ngayon ng mga otoridad kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo ng pamamaslang sa kanya.

 

vuukle comment

ADORABLE MAS

ANTONIO FERNO

BARANGAY SAN JOSE

IDINEKLARANG

ILANG

INAALAM

KASIG

MONTALBAN INFIRMARY HOSPITAL

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with