^

Police Metro

Pulis na may bigote sinibak

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines- Sinibak sa puwesto ng bagong upong  si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director C/Supt. Marcelo Garbo Jr., ang isang bagitong pulis matapos na mapuna ang hindi magandang bihis at may bigote habang nagbabantay para sa preparasyon ng State of the Nation Address ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa Lunes.

Ang pulis na sinibak ay kinilalang si PO1 Michael Castellano, nakatalaga sa Quezon City Police District-Station 7 sa Cubao na itatalaga sa NCRPO headquarters sa Taguig City.

Nabatid na si Castellano ay kabilang sa magbabantay sa puwesto sa South Gate ng House of Representatives para sa SONA.

Sa pag-iinspeksyon ni Garbo ay napuna nito si Castellano na hindi naka-ahit ang bigote at maging ang kanyang unipormeng pang-taas ay hindi naka-butones.

Bukod sa pagkasibak ay mahaharap pa sa kasong administratibo si Castellano dahil sa pag­labag sa specific instruction na ginawa ng bagong NCRPO director.

Una nang sinabi ni Garbo sa pagbisita nito sa Camp Karingal noong Lunes na estrikto siya pagdating sa pag-uugali ng isang pulis, lalo na ang pagsusuot ng uniporme.

Pinagbabawal din ni Garbo sa mga pulis na na­ngungulangot at pagkamot ng kanilang bayag habang nakasuot ng uniporme.

vuukle comment

CAMP KARINGAL

DIRECTOR C

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MARCELO GARBO JR.

MICHAEL CASTELLANO

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PANGULONG BENIGNO S

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

SOUTH GATE

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with