^

Police Metro

Motor vs motor: 3 dedbol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang motorsiklo ang nagbanggaan sa highway ng Purok San Francisco, Brgy. Guinoman, Diplahan, Zamboanga Sibugay na ikinasawi ng tatlong katao kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din sa lugar ng insidente ang biktimang si Jenifer Calunod  dahil sa grabeng mga sugat na tinamo sa katawan at  bahagi ng ulo.

Namatay habang nila­lapatan ng lunas sa Wilfredo Palma Memorial Hospital ang magka­patid na sina Jovenson, 18 at angkas nitong kapatid na si Juvy Gomera, 25.

Sa ulat ng pulis­ya, bago naganap ang aksi­den­te dakong alas-6:00 ng gabi sa nasabing highway ay bumabagtas ang kulay itim na motorsiklong Wi­zard 125 na minamaneho ni Jovenson kaangkas ang kapatid na si Juvy nang makabanggaan ang kasalubong na motorsiklong Kawasaki Barako na minamaneho naman ni Calunod.

Sa lakas ng banggaan ay bumaliktad sa gitna ng highway ang motorsiklo ng magkapatid na Gomera kasunod ang motorsiklo ni Calunod na malubhang ikinasugat ng naturang mga biktima.

Isinailalim na sa kustodya ng Diplahan Police Station ang nasabing mga motorsiklo kaugnay ng isi­nasagawang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

CALUNOD

DIPLAHAN POLICE STATION

JENIFER CALUNOD

JOVENSON

JUVY GOMERA

KAWASAKI BARAKO

NAMATAY

PUROK SAN FRANCISCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with