P10-B ghost project bubusisiin ng Ombudsman
MANILA, Philippines -Bumuo ng isang special team of investigators si Ombudsman Conchita Carpio Morales na magsasagawa ng parallel investigation katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) sa natuklasang P10 bilyon ghost project ng mga mambabatas.
Ang hakbang ay nag-ugat sa pahayag ng whistleblower na si Benhur Luy na nagbunyag sa umano’y ilegal na gawain ni Janet Lim-Napoles na umano’y utak ng scam.
Sinasabing gumamit ng mga huwad na non governmental organization si Napoles, pangulo at CEO ng JLN group of Companies para makahingi ng pondo sa mga Senador at Congressmen mula sa pork barrel ng mga ito.
Una nang pinanawagan ni Senador Miriam Santiago na dapat maimÂbestigahan ng special panel ang usapin upang maparusahan ang mga sangkot.
Ilan dito ay sina Senators Jinggoy Estrada, Ferdinand Marcos Jr., Gregorio Honasan, Juan Ponce Enrile at Ramon Bong Revilla Jr. ang diumano’y nagbigay ng pondo sa ilang pekeng non-government organizations.
- Latest