Police general, 14 pA sinibak sa ‘Ozamis’ shootout
MANILA, Philippines -Sinibak kahapon ni Interior and Local Gov’t, Secretary Mar Roxas si Calabarzon Police Director P/Chief Supt. Benito Estipona at 14 na pulis kaÂbilang ang apat na opisyal kaugnay ng pagkamatay ng dalawang lider ng Ozamis robbery gang na tinangka umanong itakas ng mga kasamahan sa sindikato sa San Pedro, Laguna noong Lunes ng gabi.
Inianunsyo ni Roxas ang pagsibak kay Estipona at kay Supt. Danilo Mendoza, lider ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng CALABARZON Police.
Nabatid na ng grupo ni Mendoza ang nag-escort sa mga napaslang na lider ng Ozamis robbery gang na sina Ricky “Kambal“ Cadavero, lider ng grupo at henchman nitong si Wilfredo “Kulot“ Panongalinga Jr.
Kabilang pa sa nasiÂbak na opisyal ay sina Sr. Inspector Manuel Magat; Sr. Inspector Fernando Cardona; Inspector Efren Oco; SPO1 Joseph Ortega; SPO1 Jayson Semacas; PO3 Sherwin Bulan; PO3 Ramil Gonzales, Po3 Marvin Mejia; PO3 Eduardo Cruz; pawang ng RSOG; PO2 Conrado Bautista;PO2 Exiel Reyes; PO2 Kristofferson Reyes at PO1 Ryan Rey Gado; na mula naman sa Regional Public Safety Battalion.
Kasalukuyan ng nasa floating status at isinailalim muna sa kustodya ng Administrative Holding Unit ng PNP ang 14 pulis.
Inianunsyo rin ang pagbuo ng Fact Finding Group sa pamumuno ni PNP-Directorate for Investigative and Detective Management (PNP-DIDM) Chief P/Director Francisco Don Montenegro.
Idedetermina naman ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na pinamumunuan ni P/Director Alexander Roldan ang imbestigasyon upang madetermina ang kasong admiÂnistratibo at kung maaaring masampahan ng kasong kriminal ang 14 pulis.
Ayon pa kay Roxas maraming dapat ipaliwanag si Supt. Mendoza sa nangyaring pagkakapatay sa dalawang lider ng Ozamis robbery gang tulad na lamang ng kung bakit dinala pa ito sa Laguna gayong ang utos ay iturn-over na sa kustodya ng Bureau of Corrections matapos ang mga itong iprisinta noong Lunes ng tanghali sa Camp Crame.
Samantalang aalamin din ng PNP kung gaano katotoo na may mga pulis umanong protektor ang grupo nina Cadavero kaya matinik ang mga ito.
Idinagdag pa ni Roxas na malaking kawalan sa PNP ang pagkamatay ng dalawa dahil sa hindi na maibibigay pa ang impormasyong kailangan ng PNP sa kanilang operasyon upang mahuli ang iba pang miyembro ng sindikato.
Sinabi pa ni Roxas, hindi siya mangingimi na kasuhan at idismis sa serbisyo kung mapapatunayang nakaÂgawa ng kapalpakan at guilty ang grupo ni Mendoza sa pinagdududahang ambush sa convoy ng mga pulis escort ng dalawang lider ng Ozamis.
- Latest