^

Police Metro

2 lider ng Ozamis robbery/hold up gang nasakote

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga ope­ratiba ng Police Regional Office (PRO) IVA at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang lider ng notoryus na Ozamis robbery/hold up gang sa follow-up operation sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang mga nasakoteng sina Ricky “Kambal” Cadavero, lider ng Oza­mis robbery/hold up gang at ang sub-leader ng grupo na si Wilfredo Panogalinga Jr., 34.

Si Panogalinga ay isang pugante sa Ozamiz City Jail at pangunahing suspek sa pamamaril sa Amerikanong si Robert Armstrong sa robbery/holdap sa 7-11 Convenience Store sa Malate, Manila noong Setyembre 2012. Habang si Cadavero ay siya namang lider ng grupo na pumuga sa New Bilibid Prison noong Dis­yembre ng nakalipas na taon.

Nadakip  kamakailan sa Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City, Cavite ng mga operatiba ng PROIVA sa pamumuno ni Supt. Danilo Mendoza at Cavite Provincial Police Office (PPO) sa ilalim ng pamumuno ni Sr. Supt. Alexander Rafael ang mga suspek.

Ang pagkakaaresto kay Cadavero at Panoga­linga ang nagsilbing susi sa pagkakaaresto noong Sabado ng madaling-araw sa itinakas na tatlong Chinese drug traffickers na sina Li Lan Yan alyas Jack­son Dy, misis nitong si Wang Li Na  at  isa pang drug lord na si Li Tian Tua sa kustodya ng Cavite Provincial Jail noong Peb­rero 20 ng taong ito. Si Tian Tua ay patuloy na pi­naghahanap ng mga oto­ridad.

vuukle comment

ALEXANDER RAFAEL

CADAVERO

CAVITE

CAVITE PROVINCIAL JAIL

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

CONVENIENCE STORE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO MENDOZA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with