^

Police Metro

Pagbomba sa PPUR nasilat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung hindi agad naiulat ang natagpuang bomba sa daungan ay posible anyang magkaroon ng pagsabog sa pamosong dinarayong destinasyon ng mga turista sa buong mundo na Puerto Princesa Underground River (PPUR) sa Sitio Sabang, Brgy. Cabayugan, Palawan.

Sa ulat ni Sr. Supt. Abad Osit, Director ng Puerto Princesa City Police, bandang alas-8:20 ng umaga nang matagpuan ang isang uri ng eksplosibo sa PPUR sa lungsod ng Puerto Princesa City na agad na-detonate ang eksplosibo na narinig ng mga nagpanik na turista at mga vendors sa lugar na may 4-5 kilometro ang layo sa dinarayong underground river .

Bunga naman ng pagkakatagpo sa nasabing eksplosibo ay pansamantalang kinansela ng ma­nagement ng PPUR ang pagpapasok ng mga turista dito habang nagsasagawa ng clearing operation sa lugar ang mga nagrespondeng elemento ng pulisya.

Nabatid na isang vendor ang nag-ulat sa pulisya sa nasabing IED kung saan ang shell ito ay gawa sa pyrotechnics na binalot ng masking tape at nilagyan din ng bubog na kung pumutok ay tiyak na marami ang masusugatan.

vuukle comment

ABAD OSIT

BRGY

BUNGA

CABAYUGAN

PUERTO PRINCESA CITY

PUERTO PRINCESA CITY POLICE

PUERTO PRINCESA UNDERGROUND RIVER

SITIO SABANG

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with