Batang babae nakatakas sa 2 kidnaper
MANILA, Philippines - Nakaligtas sa kamay ng dalawang kidnaper ang isang 10-anyos na batang babae na tangkang dukutin ng mga una matapos na alukin na bibigyan ito ng tinda nilang pastilyas kung sasama sa kanila naganap kamaÂkalawa sa Taguig City.
Ang dalawang naarestong suspek ay kinilalang sina Steven Delgado, 19, at Vern Abala, 25, kapwa vendor at nakatira sa #22 Sapphire St., Rolling Hills Subdivision, Novaliches, Quezon City.
Ang biktima na nakaligtas ay itinago sa alyas Rona na nakatakbo at naÂkapasok sa kanilang bahay sa M.L Quezon St., Barangay Hagonoy ng nasabing lungsod.
Sa salaysay ng ama ng biktima na si Cesar CaÂhanding Jr., dakong alas-4:10 ng hapon nang pumasok sa loob ng M.L Quezon Compound ang dalawang suspek upang magtinda ng pastilyas.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita ng lolo na si Cesar Cahanding Sr., na nagtatakbo papalapit sa kanya ang apo at isinumbong na pilit siyang isinasama ng dalawang lalaki.
Agad na hinabol ng ama at lolo ng biktima ang mga suspek at nasakote ang mga ito.
Itinanggi ng dalawang suspek ang akusasyon na tangka nilang dukutin ang biktima, subalit idiniin sila ng bata na siya ay dudukutin kung hindi lang siya nakatakbo. Sasampahan ng kasong attempted abduction at Republic Act 7610 o child abuse law ang dalawang suspek.
- Latest