Pulis-Crame nabitag sa kotong
MANILA, Philippines - Isang pulis na miyemÂbro Highway Patrol Group (HPG) ang inaresto ng kanÂyang mga kabaro habang tumatanggap ng pera sa isang ginang na kinokotongan sa isinagawang entrapment operation sa isang restaurant sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal kaÂhapon ng umaga.
Ang suspek ay kinilaÂlang si PO3 Harold Solano Pulero, nakatalaga sa HPG sa Camp Crame.
Ayon kay P/Supt. MaÂnuel Placido, hepe ng AntiÂpolo Police na ang pagdakip kay Pulero ay bunsod ng reklamo ng isang Gng.Robles, 62, na umano’y hiÂnihingan ng P30,000 ng suspek Pulero para sa kanyang certificate of non-recovery of motor vehicle matapos na ma-carnap ang sasakyan noong nakaraang taon at kailanganin nito ng naturang certificate para sa insurance claim.
Naaktuhan naman ng mga tauhan ni Placido na tinatanggap ni Pulero ang halagang P30,000 na naÂkaÂsilid sa isang envelope sanhi upang arestuhin siya ganap na alas-9:00 ng umaga.
- Latest