^

Police Metro

Sanggol, 11 pa binihag ng MNLF

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labindalawang sibilyan kabilang ang isang sanggol ang dinukot at binihag ng  50 miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na sumalakay sa komunidad ng Brgy. Bohe Baca,Tipo-Tipo, Basilan kamakalawa ng hapon.

Ang mga binihag ay kinilalang sina Faija Banua, 44; Dalma Ambihal, 50; Hapsa Ambihal, 28; Satra Banua, 13; Haide Banua, 9; Alsaima Buddiman, 15; Binbin Banua, 9; Kalipa Ambihal, 22; Pasri Ambihal, 2; Haipa Ambihal, 5; Fathma Buddiman, 5 buwang sanggol at isa pang sibilyan na hindi natukoy ang pangalan.

Batay sa ulat, bandang alas-4:20 ng hapon nang salakayin ng grupo ni MNLF Commander Hassan alyas Addang ang nasabing lugar  at isa-isang pinasok ang kabahayan at tinangay ang 12 sa mga residente sa lugar.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na paghihiganti ang motibo nang pagbihag sa 12 sibilyan matapos na dukutin rin  ng mga kalalakihang mula sa kalaban nilang angkan kaugnay ng tumitinding rido ang tatlong anak na babae ni MNLF Commander Hassan.

Ang tatlong anak na babae ni Commander Hassan na kinilalang sina Umma, Kelma, Pubu; pawang Dumalay ang apelyido ay kinidnap ng angkang mortal na kaaway ng mga ito noong Hulyo 9  sa Triangle, Lamitan City, Basilan.

Nabatid na may tatlong dekada na ang rido sa pagitan ng angkan nina Commander Hassan at ng mga kalaban nitong angkan.

Sa pinakahuling ulat, apat sa mga menor de edad na biktima ay pinalaya na ng grupo ni Commander Hassan.

ALSAIMA BUDDIMAN

BASILAN

BINBIN BANUA

BOHE BACA

COMMANDER HASSAN

DALMA AMBIHAL

FAIJA BANUA

FATHMA BUDDIMAN

HAIDE BANUA

HAIPA AMBIHAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with