^

Police Metro

Pekeng Shine Gaz ang hindi dapat bilhin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ng distributor ng orihinal na Shine Gaz sa Pilipinas na ang tinutukoy ni LPG Marketers’ Association (LPGMA) party-list Rep.Arnel Ty na ang huwag bilhin ng mga consumer ay ang mga pekeng Shine Gaz na siyang dahilan ng naganap na pagsabog sa Paco, Maynila  na ikinasugat ng 15 katao kabilang na ang dalawang bata kamakailan.

Ayon sa distributor ng orihinal na Shine Gaz na ang orihinal na produkto ay makikitaan  sa foot ring ng katagang “property of Shine Gaz” habang makikita sa foot ring ng peke  ay may katagang “Summit Metal Made In The Phil.”

Ipinakita rin ng distributor ng Shine Gaz ang kanilang permit na aprubado ng Department of Trade and Industry at makikita ang nakamarkang lisensiya na Philippine Standard Quality at mayroon din itong Import Commodity Clearance (ICC) na nagpapatunay na sumunod ang orihinal na Shine Gaz sa  mandatory Philippine standards.

Kaya’t isa sa depektong makikita sa pekeng Shine Gaz ay madaling pagkakalas ng balbula na nagiging dahilan ng pagsabog.

Kaya’t nananawagan ang orihinal na distributor ng Shine Gaz sa publiko na kung alam nila ang bodega ng mga pekeng Shine Gaz ay maaari silang tawagan sa telepono bilang 413-74-09 at may nakalaan na P20,000 reward  sa sinuman na makapagtuturo ng pagkakakilanlan ay itatago.

ARNEL TY

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GAZ

IMPORT COMMODITY CLEARANCE

KAYA

PHILIPPINE STANDARD QUALITY

SHINE

SHINE GAZ

SUMMIT METAL MADE IN THE PHIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with