SC Justice nalalagay sa kontrobersiya
MANILA, Philippines - Nalalagay ngayon sa kontrobersiya ang isa sa mga mahistrado ng Supreme Court makaraang lantarang akusahan ni MaÂrinduque Representative Regina Reyes si Associate Justice Presbitero Velasco ng paggamit sa kanyang pwesto para maimpluwensyahan ang SC sa naging pasya nito hinggil sa kanyang election case.
Sa isang pulong balitaan sa Lungsod ng Maynila, tahasang nanawagan si Reyes kay Velasco na itigil ang paggamit sa kanyang pwesto para mapaboran ng hukuman ang kanyang anak na si dating Congressman Lord Allan Velasco na naging mahigpit na katunggali noong nakalipas na eleksyon.
Kumbinsido si Reyes, batay na rin sa dissenting opinion ni Justice Arturo Brion, na minadali ng SC ang pagpapasya sa kanyang kaso dahil hindi man lang hiningan muna ng SC ng komento ang mga kampong sangkot sa kaso bago nagpasya sa isyu.
Hindi umano siya naÂbigyan ng patas na pagtrato mula pa lamang sa ComeÂlec hanggang sa SC dahil hindi siya binigyan ng pagkakataon na mapatunayan na siya ay isang Pilipino.
Sa halip ay mas binigyan pa raw ng bigat ng Comelec at SC ang nilathala ng isang blogger na nagsasabing siya raw ay isang American Citizen, gayong siya ay isinilang sa Pilipinas, may mga magulang na parehong Pilipino at mayroon din siyang affidavit of renunciation of foreign citizenship dahil siya ay naging American citizen. Idinagdag pa ni Reyes na hindi rin ipinatawag ng Comelec ang mismong blogger para personal na patunayan ang kanyang paratang. Plano ni Reyes na magÂhain ng motion for reconsideration sa SC para mabaligtad ang kanyang disqualification bagamat naniniwala siya na ang dapat nang humaÂwak ng kaso ay ang House of Representatives Electoral Tribunal dahil siya ay naiproklama na.
- Latest