^

Police Metro

Purisima, magbubukas sa gun show

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima ang mangunguna sa pagbubukas ng 21st Defense & Sporting Arms Show (DSAS) Part 1 sa Hulyo 18, 2013 sa Megatrade Hall 1, 2, at 3, SM Megamall, Mandaluyong City.

Sinabi ni world shooting champion Jethro Dionisio, na siya ring pangulo ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD), naimbitahan din dumalo sa seremonya ang iba pang mataas na opisyal ng PNP bilang kanilang tradisyunal na kaakibat sa pagsusulong ng kampanya sa responsible gun ownership.

Ang gun show ay bukas sa mga enthusiasts hanggang Hulyo 22, 2013 kung saan matatagpuan ang mga bagong armas at shooting paraphernalia.

Ayon kay Dionisio, tampok sa gun show ang libreng seminar ng mga eksperto sa armas mula sa 5Zero, Center for Pro-Shooters Association of the Philippines, na may titulong: Armed Women for Self Defense,” sa Hulyo 18, dakong 6:30 ng gabi.

Kabilang sa mga libreng seminar sa pinaka-matagal nang gun show sa bansa ay ang “Gun Safety and Responsible Gun Ownership” ni Eustacio “Jun” Sinco. Maaaring tumawag sa Tradeshow International, Inc. (DSAS event manager) sa 6713122 o 6718381-82.

ARMED WOMEN

ASSOCIATION OF FIREARMS AND AMMUNITION DEALERS

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

GUN SAFETY AND RESPONSIBLE GUN OWNERSHIP

HULYO

JETHRO DIONISIO

MANDALUYONG CITY

MEGATRADE HALL

PRO-SHOOTERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SELF DEFENSE

SI PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with