Shine gas, huwag bilhin – Solon
MANILA, Philippines - Huwag bilhin ang Shine gas ng Tsina dahil hindi dumaan sa tamang pagsusuri, ito ang babala kahapon ni LPG MarkeÂters’ Association (LPG-MA) party-list Rep. Arnel Ty sa mga mamimili.
Ang babala ay ginawa ng mambabatas matapos ang insidente nang pagsabog ng tangke ng LPG sa Paco, Manila na ikinasugat ng 15 katao kabilang na ang dalawang bata. Paliwanag pa ni Ty na ang Shine Gas tanks ay dinala sa Pilipinas nang wala umanong Import Commodity Clearance (ICC) mula sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ang ICC ay isang doÂkumento na nagpapatunay na sumunod ang isang imported na produkto sa mandatory Philippine standards.
Hinihiling ni Ty sa DTI na kumpiskahin ang Shine gas cylinders upang hindi magdulot ng perwisyo o panganib sa publiko.
Base sa datos tinatayang nasa 10 LPG accidental explosions ang nagaganap kada buwan kung saan kaÂramihan dito ay sanhi ng substandard at hindi ligtas na tangke, tulad ng gawa umano ng Shine Gas.
Isa sa mga depektong nakita umano sa tangke ng Shine Gas ay ang madaling pagkakakalas ng balbula o valves mula sa tangke dagdag pa dito ang hindi pagdaan sa PhiÂlippine safety standards.
- Latest