^

Police Metro

7.8 economic growth ibinida ni PNoy

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinida kahapon ni Pa­ngulong Benigno Aquino III ang magandang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kanyang liderato kung saan ay nakapagtala ito ng 7.8 percent  economic growth.

Sinabi ng Pangulo sa 8th ambassadors, consul-general at tourism direc­tor’s tour delegate sa Ma­lacañang na kulang man siya sa tulog dahil sa mahabang pulong nito kamakalawa sa pagtalakay sa proposed 2014 budget ay malugod niyang tinatanggap ang mga delegado sa pagbisita sa Pilipinas.

Inihayag ng Pangulo sa mga delegado, maraming tourism destination ang Pilipinas na dapat bisitahin ng mga turista matapos na kilalanin sa 2013 report ng World Economic Forum Travel and Tourism Competitiveness Index na number one ang Pilipinas sa tamang paggastos sa larangan ng turismo.

Ikinatuwa din ng chief executive ang pagpayag ng European Union (EU) na muling makalipad sa Europe ang Philippine Air Lines matapos nilang alisin ang ban dito bukod sa iba pang destinasyon sa Estados Unidos.

BENIGNO AQUINO

ESTADOS UNIDOS

EUROPEAN UNION

IBINIDA

PANGULO

PHILIPPINE AIR LINES

PILIPINAS

WORLD ECONOMIC FORUM TRAVEL AND TOURISM COMPETITIVENESS INDEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with