^

Police Metro

Tinext para patayin… misis binigti ng mister sa banyo

Cristina Go-Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hindi sukat akalain ng isang misis na ang natanggap niyang text sa mister na umuwi ng bahay para ayusin ang kanilang problema ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos na siya ay natagpuang nakabigti sa banyo sa Brgy. Mangas 2, Alfon­so, Cavite.

Ang biktima ay kinilalang si Sherly Repia 35-anyos, sales lady at residente ng Brgy. Mangas 1, ng nasabing bayan. Hindi naman matagpuan ang mister nito na nakilalang si Noel Repia, 37, construction worker, residente ng Brgy. Mangas 2.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:00 ng hapon nang matagpuan ang biktima ng kanyang mga kaanak na nakabigti sa banyo ng bahay ng mister.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Donna Mojica at kasama sa trabaho na si Aurea Crisaldo na nakatanggap umano ang biktima ng text message mula sa mister nito na pinapapunta siya sa bahay nito at pag-usapan ang kanilang problema upang maayos.

Nabatid na ilang araw na umanong nag-aaway ang mag-asawa dahil sa kaseselos ng suspek kung kaya’t pansamantalang tumira ang biktima sa bahay ng kanyang magu­lang.

Kaya pagkagaling sa trabaho ng biktima ay du­miretso ito sa bahay ng mister upang maki­pag-usap at simula noon ay hindi na nakauwi ang biktima.

Tinext ng mga kapatid ang suspek kung nasaan ang biktima at sumagot sa text ang suspek na kunin na lang ang kanilang kapatid sa bahay nito at sabay na humingi ito ng tawad.

Natakot ang mga kapatid sa text ng suspek kung kaya’t agad nilang tinungo ang bahay at natagpuan nila ang biktima na naka­bigti sa banyo.

vuukle comment

ALFON

AUREA CRISALDO

BAHAY

BIKTIMA

BRGY

CAVITE

DONNA MOJICA

NOEL REPIA

SHERLY REPIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with