^

Police Metro

7 pa MPD officials sinibak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa 10 matataas na opisyal ng Manila Po­lice District (MPD) ang sinibak sa puwesto simula nang umupo si Manila Police District C/Supt. Isa­gani Francisco Genabe Jr.

Sa isang special orders no.1344 na natanggap ng MPD at may petsang Hulyo 8, 2013, bukod sa tatlong unang nasibak na sina P/Supts. Alexander Navarette, Reynaldo Nava at Ernesto Tendero ay sinibak ang pitong iba pa na sina P/Supts.Ferdinand Quirante, Frumencio Bernal, Re­meigio Sedanto, Edgar Ferrater, James Jamandre, Milo Maitim at Francisco Gabriel na inilagay sa Re­gional Personnel Holding and Accounting Unit (RP­HAU) ng National Capital Region Police Office.

Nagpa-imbentaryo si Genabe sa mga pulis na ‘lulubog-lilitaw’ sa opisina at iniutos sa personnel department ng MPD na gumawa ng release order sa lahat ng mga pulis na umisnab sa ipinatawag niyang recall for MPD police personnel para sa accounting of personnel.

Napag-alaman din na may mga pulis din na pumapasok sa PAGCOR sa UN Avenue at nagsisilbing security personnel, habang ang iba naman ay nagba-body guard na sa ilang pribadong indibiduwal na pinagbabawal sa sistema sa pagpupulis.

ALEXANDER NAVARETTE

EDGAR FERRATER

ERNESTO TENDERO

FERDINAND QUIRANTE

FRANCISCO GABRIEL

FRANCISCO GENABE JR.

FRUMENCIO BERNAL

JAMES JAMANDRE

MANILA PO

MANILA POLICE DISTRICT C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with