Mister pinatay ng pinsan dahil sa lupa
MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang 45-anyos na si Soriano Palos, ng pinsan nitong si Magellan Catag dahilan sa alitan sa lupa matapos silang magsalubong kamakalawa sa Brgy. Suminalum, Kumalarang, Zamboanga del Sur.
Batay sa ulat, alas-4:30 ng hapon sa Purok Sinco, Brgy. Suminalum, Kumalarang ng lalawigang ito ay kasalukuyang pauwi na ang biktima sa kaniyang bahay nang makasalubong sa daan ang suspek na agad naman itong dinaluhong ng saksak.
Nabatid na matagal ng may matinding alitan ang magpinsan dahilan sa lupang kanilang sinasaka.
- Latest