Pagkatapos ihatid ang anak… Pulis tinodas sa eskwelahan
MANILA, Philippine s- Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang aktibong miyembro ng pulisya nang ito ay barilin sa loob ng compound ng eskwelahan ng anak habang isang mag-aaral na batang lalaki ang nasugatan dahil sa tama ng ligaw na bala naganap kaÂhapon ng umaga sa Padre Garcia, Batangas.
Ang nasawing biktiÂma ay kinilalang si PO2 Dominic Bituin, nakatalaga sa Police Special OpeÂrations Group (PSOG) ng Batangas Provincial Police Office (PPO).
Si Bituin ay nagtamo ng tama ng bala ng cal 9 MM pistol sa ulo.
Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang nasuÂgatang si John Rio Catibog, 8-anyos, Grade II pupil na tinamaan ng bala sa dibdib.
Batay sa ulat, bandang alas-6:40 ng umaga ay inihatid ni PO2 Bituin ang kaniyang anak sa Padre Garcia Central School sa Poblacion nang pumasok sa compound ang isang suspek na nakasuot ng kulay abong damit na agad nagbunot ng baril at malapitang binoga sa ulo ang target na pulis kung saan nadamay ang batang si Catibog nang matamaan ng ligaw na bala.
Tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Lipa City habang patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pagpatay sa pulis.
- Latest