P.2-M sa simbahan, ninakaw
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa mahigit P200,000 halaga na laman ng isang vault sa simbahan ang natangay ng hindi pa kilalang magÂnanakaw na dumaan sa buÂbungan at kisame ng simÂbahan sa Cubao, Quezon City.
Sa reklamo ni Senior Pastor Vicente BuenavenÂtura, 65, na nadiskubre ang pagnanakaw ng pumasok ang kanilang office staff na si Claire Agusan noong Martes ng alas-8:30 ng umaga.
Sa pagsisiyasat, pinaÂsok ng hindi natukoy na suspek ang kuwarto ni BueÂnaÂventura sa pagitan ng alas-7:30 ng gabi hangÂgang alas-8:30 umaga sa pamamagitan ng pagdaan sa bubungan bago tuluyang binutas ang kisame ng Jesus Messiah Global Church na matatagpuan sa no. 905 Aurora Blvd., kanto ng HarÂvard St., Brgy. E. Rodriguez sa lungsod.
Nabatid na ikinandado ng caretaker na si Rele GoÂyala ang simbahan na binabantayan pa ng secuÂrity guard kung kaya kamÂpanteng hindi mapapasok ito.
May kabuuang halaga na P215,132.95 cash ang natangay ng mga suspek na kinuha mula sa tanggapan ni Buenaventura.
- Latest