MMDA footbridges isasapribado
MANILA, Philippines - Upang lalong mapaÂganda ang serbisyo sa pubÂliko ay isasapribado na ng Metro Manila DeÂvelopment Authority (MMDA) ang footbridge sa KaÂmayÂnilaan.
Kahapon ay inilunsad ng MMDA ang kanilang “Adopt-A-Footbridge progÂram†sa ilalim ng “Public-Private Partnership†ng ahenÂsya kasama ang AMSI Builders and Illuminate DyÂnamic Media, Inc. (IDMI) sa inagurasyon kahapon sa C-5 Libis, Eastwood sa Quezon City.
Sa ilalim ng kasunduan, pagagandahin ng IDMI ang ilang piling footbridges sa Metro Manila, lalagyan ng bubong, palikuran, halaÂman at maglalagay rin ng security guard laban sa mga kriminal at mga illegal venÂdors.
Sasagutin ng pribadong kumpanya ang gastusin sa pagpapaganda ng footbridge at walang sasagutin ang paÂmaÂhalaan.
Upang kumita naman ang pribadong kumpanya, maaaring tumanggap ang mga ito ng “advertisement†sa ibabang bahagi ng mga footbridges.
Layon rin ng MMDA na matigil na ang laganap na paÂmumugad ng mga illegal vendors na nagkakabit pa ng mga tents sa ibabaw ng mga footbridges na mistulang hindi masawata ng kanilang mga tauhan.
- Latest