^

Police Metro

3 ‘Akyat’ utas sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis sa isang shootout ang tatlong lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na Akyat Bahay gang makaraang akyatin ng mga ito ang gate ng bahay ng isang negosyante  kahapon ng umaga sa Brgy.Camaman-an, Cagayan de Oro City.

Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa katawan ng mga suspek.

Sa ulat ng Cagayan de Oro City Police bandang alas-8:30 ng umaga nang akyatin ng mga suspek ang isang mala­king bahay sa Adela Subdivision na plano nilang pagnakawan.

Ang nasabing bahay ay pag-aari ng isang Nor­jahan Moorjani, may mo­ney-lending at check-encashing business.

Nabatid na nakunan pa ng CCTV camera ang pag-akyat ng mga suspek sa gate ng bahay ng nasabing negosyante.

Nagawa namang ma­kahingi ng tulong ang ka­tiwala ng bahay.

Naalarma ang mga kapitbahay na agad tumawag sa himpilan ng pulisya na mabilis na ru­mesponde sa lugar at naabutan ang mga suspek na tumatakas.

Pinapasuko ng mga otoridad ang mga suspek, subalit nagbunot umano ng baril ang mga suspek at pinaputukan  ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis kaya’t nauwi sa palitan ng putok ang magkabilang panig hanggang sa napatay ang tatlo habang ang ikaapat na suspek ay nakatakas.

ADELA SUBDIVISION

AKYAT BAHAY

BAHAY

BRGY

CAMAMAN

ORO CITY

ORO CITY POLICE

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with