79-anyos lola natupok sa sunog
MANILA, Philippines -Halos nagmistulang uling na nang matagpuan ng mga otoridad ang bangkay ng isang 79-anyos na lola na kinilalang si Maria Pino, biyuda matapos itong makulong sa nasusunog niyang bahay sa Mandaue City, Cebu kahapon ng maÂdaling-araw.
Batay sa ulat, bandang alas-12:45 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng biktima sa Purok 3, Brgy. Cubacub ng lungsod.
Nabatid na nag-iisa lamang ang matanda sa kaniyang bahay at mahimbing na natutulog nang maganap ang sunog na mabilis na kumalat sa buong kabahayan.
Hindi na nakalabas ng kaniyang silid ang matanda na naalimpungatan sa mahimbing na pagkakatulog bunga ng makapal na usok at matinding init dahil sa sunog.
Pinaniniwalaan namang ang natumbang lampara na ginagamit ng matanda ang piÂnagmulan ng sunog.
- Latest