Special child nalunod
MANILA, Philippines -Isang bangkay ng 5-anyos na batang lalaki na special child ang natagpuang palutang-lutang matapos na malunod sa Cabato River, Brgy. Tetuan, Zamboanga City.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Bennie Gonzado, residente ng Aurora Village, Brgy. Guiwan ng lungsod.
Sa ulat ng pulisya, bago natagpuan ang bangkay ng bata sa ilog dakong alas-9:40 ay hindi umano napansin ng lola na nakalabas ito ng bahay.
Ayon naman sa ilang mga kalaro na ang biktima ay nagtungo sa direksyon ng ilog ng mag-isa para umano maligo.
Sa ilang oras umaÂnong paghahanap sa biktima ay nakita ng isang concerned citizen ang bangkay ng bata na palutang-lutang sa nasabing ilog.
- Latest