^

Police Metro

Pinay drug mule bibitayin ngayon

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Anumang oras nga­yong araw ay nakatakdang bitayin ang isang 35-anyos na Pinay na pinatawan ng death penalty dahil sa pagpupuslit ng mahigit 6 kilong heroin sa China.

Ito ang inihayag ni Vice President Jejomar Binay, kasunod ng isi­na­gawang jail visit at pa­ma­maalam ng kanyang kaanak sa kulungan nito sa China.

Sinabi naman ni Fo­reign Affairs Spokesman Raul Hernandez na nakausap ng may 30-minuto kahapon ng umaga (Lunes) ang bibitaying Pinay ng kanyang ina at isa pang kaanak sa men’s jail sa Hangzhou.

Hiniling din ng ina ng Pinay na mabisita ang kanyang pamangkin na naka­kulong dahil din sa drug smuggling.

Ang nasabing Pinoy ay ang kasa-kasama ng Pinay na pinatawan ng death penalty, subalit ang una ay nabigyan ng 2-taong reprieve dahil sa magandang asal sa piitan.

Ang mag-pinsan ay magugunitang naaresto sa isang paliparan malapit sa Shanghai noong Enero 2011 matapos na madiskubre ng Chinese authorities na may dala silang kilu-kilong heroin sa kanilang bagahe na siyang dahilan upang patawan sila ng death penalty noong naka­lipas na taon.

vuukle comment

AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

ANUMANG

ENERO

HANGZHOU

HINILING

PINAY

SHY

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with