^

Police Metro

Barkong pandigma ng China sa WPS dumami – DFA

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Grabe na umano ang ginagawang panghihimasok ng China sa Pilipinas  matapos ang tuluy-tuloy na pagdagsa ng mga Chinese military at paramilitary ships  sa pinag-aagawang teritoryo sa West Pilippine Sea (WPS).

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, nangangamba siya sa aniya’y pagtaas ng “militarisasyon” sa WPS o South China Sea dahil sa patuloy na pagdating at presensya ng mga barkong pandigma ng China sa Scarborough Shoal at  paligid ng Ayungin Shoal na nasa “integral part” ng teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay del Rosario, ang presensya ng mga barkong pandigma at mga sundalo ng China sa WPS ay malaking banta sa seguridad ng Pilipinas sa kabila ng pagsusumikap nito na mapanatili ang “maritime peace at stability” sa nasabing rehiyon.

Sa kanyang pananalita sa ika-46 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministerial Mee­ting, iginiit ni del Rosario sa mga lider ng iba’t ibang bansa na kasapi ng ASEAN na ang pagsawata sa anumang probokasyon o aksyon sa WPS tulad ng mga warships ng China ay patuloy na nagiging ser­yosong hamon para sa buong rehiyon.

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

AYON

AYUNGIN SHOAL

FOREIGN AFFAIRS SEC

GRABE

MINISTERIAL MEE

PILIPINAS

SCARBOROUGH SHOAL

SOUTH CHINA SEA

WEST PILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with