Nilasing muna ng kaibigan, 2 pa…Coed na-gang rape
MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang 18-anÂyos na kolehiyala na gagawan siya ng masama ng itinuturing niyang kaibigan matapos na sumama siya dito sa isang gimikan, subalit nang malasing ay ginahasa siya at dalawa pa nitong barkada naganap kamakalawa ng gabi sa isang kubo sa Butuan City, Agusan del Norte.
Batay sa ulat, alas-2:45 ng madaling-araw kahapon nang samahan ng dalawang concerned citizen sa himpilan ng pulisya ang biktima na itinago sa pangalang Jessa, dalaga, 3rd year college sa Saint JoÂseph Institute of Technology at residente ng Prosperidad, Agusan del Sur na halos hindi maÂkaÂÂgulapay sa kanyang sinaÂpit.
Nadakip agad ang tatÂlong suspek na kinilaÂlang sina Zcyl Jay Tecson; Jeron Paronda at James Lesther Lagaret; pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Purok 1A, Brgy. Ampayon ng lungsod na ito.
Batay sa ulat, bago naganap ang panghahalay sa biktima dakong alas-12:00 ng hatinggabi sa isang kubo ay inimbitahan siya ng kaibigang si Tecson na gumimik.
Nang malasing ang biktima matapos itong makipag-inuman kay Tecson at dalawa pa nitong barkada ay inihanda ang kubong tutulugan ng biktima dahilan malalim na umano ang gabi.
Gayunman, nang maÂkatulog ang dalaga ay piÂnasok ito ni Tecson kasunod ang dalawang suspek at sinimulang haÂlayin.
Nang makaraos ang tatlo ay inabandona nila ang biktima hanggang gumapang palabas ang dalaga at humingi ng tulong sa kapitbahay ni Tecson na sinamahan ito sa himpilan ng pulisya.
Nagresponde naman ang mga operatiba ng pulisya sa lugar at naaresto ang mga suspek na paÂwang nasa impluwensya ng alak.
- Latest