^

Police Metro

2 Pulis iimbestigahan sa pagpapatakas ng suspek sa away-trapiko

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang pulis-Las Piñas City ang iimbesti­ga­han dahil sa uma­no’y ginawa nitong pagpapa­takas sa isang suspek na sangkot sa isang traffic incident at sumampal sa isang negosyante na nakagit­gitan nito kama­ka­ilan.

Ayon kay National Ca­pital Regional Police Office (NCRPO) spokes­person Chief Insp. Kim­berly Molitas na pina­im­bes­ti­gahan na ni NCR­PO chief, Director Leonardo Espina sa kanilang Inves­tigation Division ang rek­lamo ng biktima na na­kilalang si Narciso “Jun” Diokno laban kina PO2 Manaoag at PO2 Aclo, kapwa nakatalaga umano sa Las Piñas Com­munity Precinct 7 at inaa­sahang matatapos ang pagsisiyasat sa loob ng 30 araw.

Sa salaysay ni Diokno, lulan siya kanyang puting kotseng Mazda noong Hunyo 12 at nagitgit ng isang gray na Toyota Inno­va sa may Alabang-Zapote Road. 

Galit na lumabas ng sasakyan ang tsuper at ipinagwagwagan ang kanyang tsapa ngunit hindi ito hinarap ni Diokno dahil sa na­ka­ramdam siya ng pa­nga­nib kaya idiniretso ang kanyang sasakyan hang­gang gate ng BF Homes Subdivision kung saan niya hinarap ang galit na lalaki ngunit sinampal umano siya ng tsapa nito.

Tumawag naman ng responde ang mga guwar­diya ng subdibisyon at dumating sina PO2 Ma­naoag at PO2 Aclo, subalit pinatakas umano ng dala­wa ang suspek habang si Diokno ay mag-isang dinala sa presinto at doon umano isinubo sa kanya na pirmahan ang “settlement” o aregluhan sa kaso laban sa dalawang pulis. 

Inakala umano ni Diok­no na maayos na ang gu­sot ngunit paglabas niya ng pre­sinto ay nagparinig pa umano ng pagbabanta ang dalawang pulis laban sa kanya.

Kaya’t inireklamo ni Diokono sa opisina ni Es­pina ang dalawang pulis sa hindi pagsunod sa “standard operating procedure” na dalhin sa presinto ang dalawang panig na sangkot sa isang gusot trapiko, hindi pag­kuha sa pangalan ng sus­pek at hindi pag-aksyon sa kawalang-plaka ng sasakyan ng nakagitgitan ng una.

ACLO

ALABANG-ZAPOTE ROAD

CHIEF INSP

DIOKNO

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

HOMES SUBDIVISION

LAS PI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with