^

Police Metro

3 kelot itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ng pulisya na kagagawan ng sindikato ng droga ang naganap na pagpatay sa tatlong kalalakihan ka­bilang ang magkapatid sa magkahiwalay na insi­dente ng pa­­mamaril sa bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan ka­­ma­kalawa.

Sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang maganap ang unang insidente nang pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem ang isang magkapatid sa Brgy. San Agustin ng ba­yang ito.

Namatay noon din ang magkapatid na sina Nelson at Darwin Taguinod sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ilang minuto lamang ang nakakalipas ay sumunod namang pinagbabaril ang isa pang biktima na si Tomas Marzan sa Brgy. La Luna ng nasabi ring bayan na siya nitong dagliang ikinamatay.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang posibilidad na may kinalaman sa illegal na droga ang motibo ng pamamaril sa mga biktima.

Magugunita na noong Hunyo 7 ay pitong kalala­kihan din ang minasaker makaraang ratratin sa Bugallon, Pangasinan na pinaniniwalaang may kinalaman sa illegal na transaksyon ng droga.

BRGY

BUGALLON

DARWIN TAGUINOD

HUNYO

LA LUNA

PANGASINAN

SAN AGUSTIN

SHY

TOMAS MARZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with