^

Police Metro

Elementary school, binulabog ng bomb threat

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -Binulabog ng bomb threat kahapon ng umaga ang Nangka Ele­men­tary School sa Brgy. Nangka, Marikina City kaya’t na­kansela ang pang-uma­gang klase matapos magsuguran ang mga magulang ng mga mag-aaral.

Sa pahayag ng school principal na si Marciana de Guzman, dakong alas-8:30 ng umaga isang babaeng nagpakilalang  Mrs. Cruz ang nagpaabot sa school guard na si Benito Belicio na may bombang nakatanim sa school building at maaari itong sumabog anumang oras at nag-ikot din umano ang ginang sa barangay at ipinamalita ang bomb threat.

Kaagad na ipinag-utos ng principal sa mga guro na palabasin ng kani-ka­nilang classroom ang mga bata at pinapunta sa co­vered court.

Rumesponde ang mga tauhan ng Explosives and Ordinance Division (EOD) at Special Wea­pon and Tactics (SWAT) ng Marikina City Police at matapos ang isang oras na pagsisiyasat ay idi­nek­larang ligtas sa bomba ang paaralan.

Sa kabila nito ay sinuspinde na rin ng mga school officials ang pang-umagang klase at pinauwi na ang mga magulang at mga estudyante.

 

vuukle comment

BENITO BELICIO

EXPLOSIVES AND ORDINANCE DIVISION

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MRS. CRUZ

NANGKA ELE

SHY

SPECIAL WEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with