^

Police Metro

Jobless na mister nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dahil sa hindi maka­yang depresyon sa buhay minabuti ng isang jobless na mister ang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti kahapon ng madaling-araw sa ka­ni­lang bahay sa Que­zon City.

Natagpuan ang bikti­ma na si John Rafael Cabello, 26, ng kanyang kinakasama na nakabigti sa kisame at walang nang buhay ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.

Sa salaysay ng kina­ka­samang si Michelle Santiago, madalas uma­nong nakakaranas ng depresyon ang biktima, dahil dati umano itong gumagamit ng iligal na droga o shabu.

Bago umano nangyari ang insidente sinundo pa ng biktima si Michelle sa tinuluyang bahay nito para muli silang magsama.

Sumama naman si Michelle hanggang pagsapit sa kanilang bahay ay nagpasya silang matulog.

Makalipas ang alas-4:30 ng madaling-araw, nang magising si Michelle para gumamit ng banyo ay nagulat na lang siya nang matagpuan ang biktima na nakabitin sa kisame.

vuukle comment

ARAW

DAHIL

JOHN RAFAEL CABELLO

MAKALIPAS

MICHELLE

MICHELLE SANTIAGO

NATAGPUAN

SHY

SUMAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with