Oil firms muling nagtaas ng presyo
MANILA, Philippines -Sa ika-7 beses na pagkaÂkataon ay muling nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng petrolyo kahapon ng umaga ang mga kumpanya ng langis.
Kahapon ng alas-6:00 ng umaga ay sabay-sabay na nagÂtaas ng kanilang presyo ang Pilipinas Shell, Petron CorpoÂration, Chevron Philippines, Total Corporation at Seaoil Philippines.
Sa kabila ng ipinatutupad na deregulasyon sa presyo ng langis ay pare-pareho ang presyo ng itinaas sa kanilang produkto ng mga kumpanya ng langis tulad ng P.45 sentimos kada litro sa presyo ng premium at unleaded gasoline at P.90 sentimos kasa litro naman sa presyo ng diesel.
Patuloy na pinaninindigan ng mga tagapagsalita ng mga kumpanya ng langis ang mahal na halaga ng inaangkat niÂlang “finished products†sa Singapore at pagbulusok ng halaga ng piso. Tali naman ang Department of Energy (DOE) sa patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.
- Latest