Mayor Lim kinuwestiyon ang pagtatanggol sa serial rapist
MANILA, Philippines - Mag-imbestiga muna bago kuwestiyunin ang nalabag umanong karapatang pantao ng 23-anyos na naarestong serial rapist at holdaper na nakapambiktima ng tatlong babae sa loob lamang ng 6 na araw.
Ito ang naging panawagan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Commission on Human Rights (CHR) na dapat ay siliping mabuti kung ano ang nangyari at kung bakit inilantad ang suspek sa publiko at hindi tumutok sa reklamong human rights ng suspek at sa halip ay tingnan ang panig ng mga naagrabyado nito.
Kahapon sa isang breakfast meeting, nagbigay si Lim ng direktiba kina Atty. Renato Dela Cruz, chief of staff at media bureau director Ric de Guzman at maÂyor’s complaint and action team ret. Col. Franklin Gacutan, na makipag-ugnayan sa tanggapan ng CHR at beripikahin ang ulat hinggil sa reklamong inihahayag ng diumano’y mga aktibista na pumapanig sa suspek na si Mc Yoren Rapis, alyas “Yoren Puke†23, tricycle driver ng Gagalangin, Tondo, Maynila, na nahaharap sa mga nabanggit na kaso matapos maaresto at umamin sa pulisya sa pinakahuling tangkang panggagahasa matapos matukoy ang pagkilanlan sa kuha ng CCTV noong Hunyo 17, bukod pa sa panggagahasa sa isang 22 anyos na pharmacy assistant at panghoholdap sa isa pang babae.
Nilinaw ni Lim na ang layunin ng press conference kung saan inilantad ang suspek ay upang makakuha ng hustisya at maghain din ng reklamo ang iba pang mga nabiktima ng suspek na ayon sa impormasÂyon ng mga otoridad ay marami nang kahalintulad na kaso na nagawa ang suspek, maliban pa sa rekord nito na nahuli na rin sa kaso ng iligal na droga.
Hindi umano nais ni Lim na puwersahin ang suspek na umamin dahil kusa itong umamin sa pulisya at naimÂbesÂtigahang mabuti bago ipinrisinta sa kaniya.
- Latest