^

Police Metro

Misis ipinapatay ang mister

Cristina Go Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinasabing matinding pagtatalo at galit ang dahilan kaya nagawang ipapatay ng isang misis ang kanyang mister sa bayan ng Silang Cavite City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Ricardo Garcia nasa hustong gulang residente ng Brgy. Biluso, Silang Cavite. Habang ang mastermind sa krimen ay ang mismong misis nito na si Vivian Garcia, ng nasabi ring lugar.

Batay sa imbestigasyon ni Police Insp. Valero Bueno, ganap na alas-7:20 ng gabi kamakalawa ng pagbabarilin ang biktima habang ito ay naglalakad pauwi sa kanilang tahanan sa P. Montoya St., Brgy. San Vicente.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at ulo ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis na tumakas ang dalawang hired killer sakay ng isang motorsiklo at ang misis ng biktima ay nagtatago na rin.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinasabing dalawang linggo bago maganap ang krimen ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang magbanta umano ang babae na ipapapatay nito ang kanyang mister.

Nakatakda ngayon sampahan ng kasong parricide ang nasabing misis, habang murder naman sa dalawang inupahan nito na ngayon ay pawang nagtatago pa.

vuukle comment

BATAY

BRGY

MONTOYA ST.

POLICE INSP

RICARDO GARCIA

SAN VICENTE

SILANG CAVITE

SILANG CAVITE CITY

VALERO BUENO

VIVIAN GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with