Stenographer, pinatay ng akyat bahay
MANILA, Philippines - Patay ang isang Court Stenographer makaraang pagsasaksakin ng tatlong miyembro ng Akyat Bahay Gang na pumasok sa kanyang tahanan sa Barangay Toclong, Kawit Cavite, kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay nakilalang si Mateo Ladislao, 48, binata, residente ng Blk. 2 Lot 3 Lakersfield Subd. Brgy. Toclong ng nasabing bayan.
Hindi pa nakikilala ang mga suspek na matapos patayin at pagnakawan ang biktima ay mabilis na tumakas.
Sa imbestigasyon ni PO2 Gabriel Gonzales, may hawak ng kaso, ganap na alas-4:50 ng hapon ng madiskubre ni Emmanuel Baketa, 25 ang duguang bangkay ng kanyang kaibigan na nakahandusay sa loob ng bahay nito. Nagkalat ang mga gamit ng biktima na halatang hinalungkat ng mga suspek.
Agad na tumawag ng pulis si Baketa at inireport ang nasaksihan at sa inisyal na pagsisiyasat ay lumilitaw na biktima ng Akyat Bahay ang stenoÂgrapher dahil nawawala ang mga gamit nito, pera at mga alahas.
Ayon kay PO2 Gonzales, posible umanong nagising ang biktima habang hinahalughog ang kanyang tahanan at nanlaban ito kaya siya pinatay.
Narekober ng pulisÂya ang isang duguang gunting at 2 patalim sa piÂnangyarihang insidente na posibleng ginamit sa krimen.
- Latest