Mag-ina naabo sa sunog
MANILA, Philippines - Naabo sa sunog ang dalawang maÂtanÂdang mag-ina maÂÂkaraang makulong ang mga ito sa nasunog nilang taÂhanan sa Hacienda Conchita, San Dionisio, Iloilo, kamakalawa ng gabi.
Halos hindi na makilala matapos magmistulang uling ang bangkay ng mga biktimang kinilalang sina Lilia Villanes, 98-anyos, biyuda at anak nitong si Santiaga Villanes, 75 taong gulang.
Sa ulat ni Iloilo Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Gil Blando Lebin, naganap ang sunog na tumupok sa tahanan ng mga biktima sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas-7:30 ng gabi.
Nabatid na ang mag-ina ay magkasamang namumuhay sa nasabing lugar na nakatira sa kanilang taÂhanan na gawa lamang sa mahihinang uri ng materyales.
Base sa inisyal na imÂbestigasyon, nabigong maÂkalabas ang mag-ina nang masunog ang kaniÂlang taÂhanan.
Nakitang magkayakap ang sunog na bangkay ng mag-ina sa loob ng kaÂnilang kuwarto na posibleng hindi na nagawang makalabas pa ng kanilang tahanan dahil na rin sa kanilang katandaan.
Sinasabing malayo rin ang tahanan ng mag-ina sa kanilang mga kapitbahay kaya hindi nagawang masaklolohan ang dalawang matanda.
Ayon sa mga awtoridad, walang supply ng kuryente sa lugar nang maganap ang sunog kaya pinaniniwalaang mula sa natumbang nakasinding lampara o kandila ang sanhi ng sunog.
Sa inisyal na pagtaya, aabot sa P200,000 ang halaga ng ari-arian na naaabo sa nasabing sunog.
- Latest