11 nalong senador pagmumultahin ng Comelec
MANILA, Philippines - Pagmumultahin ng Commission on Elections (Comelec) ang 11 nanalong senador dahil sa mali umano ang isinumiteng Statements of Election Contributions and Expenditures (SECE).
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., aprubado ng Comelec en banc ang memorandum ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim, pinuno ng Campaign Finance Unit na nagtatakda ng mga paglabag at katumbas na multa ng bawat senatorial bet.
Sa 12 nanalong senador, tanging si Senator Alan Peter Cayetano ang hindi pinagmulta dahil walang mali sa kanyang expenditure report.
Hinimok naman ni Brillantes ang mga kandidato na may mali sa isinumiteng SECE na itama kaagad ang kanilang mga deficiency bago magsimula ang kanilang termino sa Hunyo 30 dahil sa pagmumultahin sila ng P30,000.
- Latest