168 ex-rebels ni Fr. Balweg sasapi sa Phil. Army
MANILA, Philippines - Sasapi sa Philippine Army kaugnay ng integration program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kalaban ng estado na nagbalikloob sa gobyerno tulad ng may 168 rebelde na mga daÂting tauhan ni priest turned Cordillera People’s Army (CPLA) rebel commander Fr. Conrado Balweg.
Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col Randolph Cabangbang, ang 168 kuwalipikadong miyembro ng Cordillera Forum for Peace and DeveÂlopment (CFPD) o mga dating CPLA ay magsasanay bilang sundalo ng AFP.
Itinakda naman ang opening ng Candidate Soldier Course (CSC) para sa mga ito ng Army’s 5th Infantry Division sa Upi, Gamou, Isabela sa Hunyo 26 na dadaluhan nina AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista at Defense Secretary Voltaire Gazmin.
- Latest