^

Police Metro

War games ng Ph at US Navy sa Scarborough Shoal

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng joint military exercises ang Philippine Navy at Estados Unidos malapit sa pinagtatalunang teritoryo sa bahagi ng karagatan Panatag Shoal o Scarbo­rough Shoal sa Zambales.

Ito ay upang mapala­kas pa ang kapabilidad ng depensa ng militar sa naval operations sa gitna na rin ng tumitinding ka­pa­ngahasan ng China matapos na panatilihin nito ang kanilang military ships nito sa Scarborough Shoal simula ng maganap ang standoff sa lugar noong nakalipas na taon.

Samantala, binakuran na rin ng China  ang Scarborough Shoal ng boya-boya para sa mga mangi­ngisda nitong Intsik na nagsasagawa ng intrusyon sa lugar at nagtataboy naman sa mangingisdang Pinoy.

Ang Scarborough Shoal ay nasa distans­yang 124 nawtikal na milya ang layo sa Masinloc, Zam­bales na nasasaklaw ng 200 milyang Economic Exclusive Zone (EEZ) ng bansa.

Sinabi ni Navy Spo­kesman Lt. Commander Gregory Gerald Fabic ang Cooperation Afloat Readiness and Training (CARAT) exercises ay isasagawa ng PH at US Navy na simula Hunyo 27 hanggang Hulyo 2. Ang opening ceremony ay isasagawa sa Subic Bay, Zambales para sa nasabing war games.

ANG SCARBOROUGH SHOAL

COMMANDER GREGORY GERALD FABIC

COOPERATION AFLOAT READINESS AND TRAINING

ECONOMIC EXCLUSIVE ZONE

ESTADOS UNIDOS

NAVY SPO

PANATAG SHOAL

SCARBOROUGH SHOAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with