^

Police Metro

Matapos na makaaway ang ka-live-in… beybi kritikal sa saksak ng nanay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinagdiskitahang sak­sakin ng isang ina ang kanyang 11 buwang sanggol na lalaki habang nag-aaway sila ng kanyang ka-live in kamakalawa ng gabi sa Baguio City.

Ang sanggol na nasa kritikal na kalagayan sa Baguio General Hospital and Medical Center ay tinukoy sa palayaw na Baby Boy Refugia na nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Ang suspek na kina­suhan ay kinilalang si Jona Cris Refugia, 18-anyos, residente ng No. 25 San Luis Extension, Brgy. San Luis   ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ni Refugia at ng live-in partner nitong si John Soliven.

Lumalabas sa ulat, na bago ang insidente ay nakipag-inuman sina Soliven at Refugia sa kanilang mga kabarkada at nang kapwa malasing ay nag-away ang mga ito sa hindi pa malamang kadahilanan.

Tuloy pa rin ang sigawan at pag-aaway ng da­lawa sa kanilang kuwarto nang biglang kumuha ng kutsilyo ang babae at pinagdiskitahan na pagsa­saksakin ang natutulog nitong sanggol at ilang saglit ay bigla itong natulala sa kaniyang ginawa.

Mabilis namang  isinugod ni Soliven sa pagamutan ang anak kasunod ang nahimasmasan nitong ina.

Ang suspek ay naka­ku­long na at nakatakdang sampahan ng kaso.

BABY BOY REFUGIA

BAGUIO CITY

BAGUIO GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BATAY

JOHN SOLIVEN

JONA CRIS REFUGIA

SAN LUIS

SAN LUIS EXTENSION

SOLIVEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with