Rapist timbog sa ikalawang biktima
MANILA, Philippines -Nabigo sa kanyang ikalawang biktima ang isang tricycle driver nang manlaban ang isang 24-anyos babae na kanyang kinalawit at gagahasain sana naganap kamakalawa ng gabi sa Juan Luna St., Tondo, Maynila.
Ang suspek na kinasuÂhan ng attempted rape ay nakilaÂlang si Mc Yoren Rapis, 23, residente ng no. 3063 Maliklik St., Gagalangin, Tondo, Maynila at nakakulong na sa MPD-Station 7.
Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay mag-isang naglalakad ang biktima na itinagong Jenny, sa kanto ng Juan Luna St., at Maliklik St. nang biglang hatakin siya ng suspek at kiÂnaladkad sa nakaparadang jeep.
Sa loob ng jeep ay tiÂnuÂtuÂkan ng patalim at pinaÂhiga ang biktima at nang hiÂnahalikan ng suspek ay tiÂnadyakan ito ni Jenny kaya’t nakawala at nagtatakbo.
Nagsisigaw ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga rumorondang mga barangay tanod ng Barangay 177, Zone 16, at itinuro ang direksiyon ng suspek kaya’t hinabol ito hanggang sa Barangay 184, Zone 16 at hindi ito naabutan.
Isinama ang biktima sa barangay hall at doon naÂtukoy na nairekord ang insidente sa closed-cicuit teleÂvision (CCTV) na ipinakita naman sa mga opisyal ng baÂrangay 184 ay natukoy ang pagkilanlan ng suspek na itinawag sa MPD-station 7 para sa pag-aresto.
Naging daan din iyon upang tawagan ang nauÂnang biktima na si Giselle, 22 na ginahasa sa kalye mismo, noong Hunyo 12, 2013 sa J. Abad Santos St., Tondo.
- Latest