^

Police Metro

Bangkay ng sanggol ninakaw sa nitso

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang bangkay ng ba­gong libing na sanggol na babae ang natuklasang ninakaw sa loob ng nitso kamakalawa sa isang sementeryo sa Santiago City, Isabela.

Ayon kay Isabela Pro­vincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Franklin Mabanag, dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng sanggol na si Monaliza na sina Annaliza at Eduardo Gamboa at inireport ang pagkawala ng kanilang anak sa nitso nito.

Si Monaliza, isang taon at siyam na buwang gulang na sanggol ay na­tuklasang nawawala sa nitso nito na nilapastangan kamakalawa dalawang araw matapos itong ili­bing.

Ang sanggol ay nasa­wi sanhi ng sakit nito sa puso bagay na hirap pa ring matanggap ng mga magulang nito na muling dumalaw sa puntod ng anak at nadiskubre ang pangyayari.

Nang magsagawa ng follow-up operation kahapon ng, alas-7:10 ng umaga ay natagpuan ng isang Jalil Matabalao, 20 ng Brgy. Rosario, Santiago City ang bangkay ng sanggol sa isang nakabukas na nitso sa sementeryo ng lungsod.

Ang nakabukas na nitso na pinaglipatan sa bang­kay ng sanggol ay pag-aari ng pamilya Ruiz na nagtungo sa lugar upang tingnan ang semen­teryo para paglibi­ngan sa kanilang nasawing kamag-anak.

Positibo namang kinilala ng mga magulang ng sanggol ang bangkay nito na ang nawawala nilang anak na hindi pa naman naagnas.

vuukle comment

DIRECTOR P

EDUARDO GAMBOA

FRANKLIN MABANAG

ISABELA PRO

JALIL MATABALAO

POLICE OFFICE

SANGGOL

SANTIAGO CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with