Tinalo sa suntukan, rumesbak ng saksak

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 38-anyos na lalaki matapos na saksakin ng kanyang pinsan na tinalo nito sa kanilang sun­tukan kamakalawa sa Cortes, Surigao del Sur.

Ang nasawi ay nakila­lang si Macario Quejida, na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng ka­tawan.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Alberto Quejida na nagtamo naman ng matinding bukol sa ulo at mga pasa matapos na matalo ng biktima sa suntukan.

Batay sa ulat, bandang alas-5:25 ng hapon sa Brgy. Poblacion ay nagka­initan ang magpinsan na humantong sa suntukan kung saan ay binato pa ng biktima ang suspek.

Napilitang umuwi muna sa kanilang bahay ang suspek sa halip na magpunta sa ospital para magpagamot sa tinamong sugat ay kumuha ito ng pa­talim.

Galit na galit na sinugod ni Alberto ang bahay ng pinsan saka pinagsa­saksak ito na hindi na na­kuhang makatayo matapos na mapuruhan sa insiden­te.

Lumilitaw din sa im­bestigasyon na may namamagitang alitan sa hindi tinukoy na bagay ang mag­pinsan.

 

Show comments