Pulis, nabagok patay
MANILA, Philippines - Patay na ng matagpuan sa loob ng kanyang opisina ang isang 49-anyos na miyembro ng Manila Police District-Traffic Bureau na tumanggi umanong magpadala sa ospital matapos mabagok ang kanyang ulo sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.
Nagkaroon ng internal hemorrhage sa ulo na ikinasawi ng biktimang si PO2 Leonardo Banda Jr., nakatalaga sa Complaint Action Team ng MPD- TrafÂfic Bureau sa Port Area, Maynila.
Sa ulat ni SPO3 Marco Saunar kay P/Supt. Reynaldo Nava, hepe ng MPD-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi nang maganap ang pagkabagok ng ulo ng biktima sa isang Trailer Truck sa Anda Circle, sa bahagi ng Petron Gas station sa Intramuros.
Ayon sa driver ng TraiÂler Truck na si Amado Mullet, 39, nakapila umano siya sa Petron Gas StaÂtion para magpakarga ng diesel nang makarinig siya ng kalabog sa likuran bahagi ng truck.
Nang tingnan nito ay kanyang nakita na nakaÂbagsak ang pulis sa tabi ng kanyang motorsiklo na may plakang 5757-QBG.
Agad naman umanong tinulungan ang pulis at dinala sa kanilang opisina sa Traffic Bureau at hindi na nagpadala pa sa ospital sa halip ay pinili na lamang magpahinga.
Kinabukasan, ganap na alas-10:00 ng umaga, nakita na lamang si PO2 Banda na wala ng buhay na hinihinalang may naÂmuong dugo sa ulo nito.
- Latest